-- Advertisements --

Naglabas na ng bagong “terrorism threat advisory” ang US Department of Homeland Security bago ang anibersaryo ng September 11 terror attacks sa gitna ng muling pagbangon ng coronavirus pandemic.

Sinabi ng National Terrorism Advisory System Bulletin, ang Estados Unidos ay nahaharap sa heightened threat environment” mula sa domestic terrorists at sa mga nag-uudyok na mga dayuhang terorista at iba pang mga naimpluwensyahan ng kasamaan.

Tumaas ang paggamit ng mga online forums upang ipakalat ang mga marahas na salaysay ng mga extremists na itaguyod ang marahas na aktibidad.

Inilabas ang bagong advisory kasunod ng nangyaring pag-atake sa US Congress ng mga tagasuporta ng dating pangulo na si Donald Trump noong buwan ng Enero.

Maaaring gamitin daw ng mga extremist sa pagsasagawa ng pag-atake ang muling pagtatag ng mga public health restrictions sa buong Estados Unidos bunsod ng paglitaw ng COVID-19 Delta variant. (with reports from Bombo Jane Buna)