-- Advertisements --

Naglabas ng tsunami warning ang US National Weather Service sa buong West Coast matapos ang pagsabog ng bulkan sa Tonga na matatagpuan sa Pacific Ocean.

Ayon sa inilabas na tsunami warning na posibleng aabot sa dalawang talampakan ang tsunami na maapektuhan mula California hanggang sa Aleutian island ng Alaska.

Tonga
US National Weather Service

Pinapalikas nila ang mga nasa malapit sa karagatan at maghanap ng matataas na lugar.

Patuloy din ang pagbabantay ng Pacific Tsunami Warning Center sa Hawaii.

Nauna ng tumama ang apat na talapakang tsunami sa Nuku’alofa ang capital ng Tonga ilang oras matapos ang pagputok ng bulkan.

Umabot ng mahigit walong minuto ang nasabing pagsabog ng bulkan kung saan naglabas ng abo, gas at makapal na usok ng ilang kilometro sa hangin.