-- Advertisements --

Nagpaabot din nang kanilang pakikiramay sa Pilipinas ang Estados Unidos matapos na bumagsak ang isang C-130 cargo plane sa Sulu kahapon.

Sa isang statement, inihayag ni National Security Advisor Jake Sullivan ang kanilang pakikiramay sa mga naulilang pamilya at panalangin din para sa mga sugatan.

Tiniyak naman din niya na handa ang United States na magbigay ng tulong sa bansa sa oras na kailanganin ito para sa disaster response.

US jaek sullivan

Dagdag pa ni Sullivan, kaisa ng Pilipinas ang Estados Unidos sa maikokonsiderang “difficult time” na ito.

Base sa datos, 50 katao ang nasawi sa plane crash, kung saan 47 dito ay pawang mga sundalo at tatlo naman ang sibilyan sa ground.

Samantala, 49 na sundalo ang na-rescue at kaagad na dinala sa mga ospital para gamutin.

Sinasabing ang bumagsak na cargo plane ay kaka-deliver lang noong Enero ng taong kasalukuyan mula sa Amerika.