Tumutulong na ang Estados Unidos ngayon sa isinasagawang relief operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Bagyong Julian sa Batanes.
Sa katunayan, nagpadala ito ng mga equipment at mga personnel para mag-assist sa relief operations.
Ayon sa Philippine Air Force (PAF) dumating kahapon ang dalawang KC-130J Hercules aircraft mula sa United States III Marine Expeditionary Force na lumapag Villamor Air Base sa Pasay City kahapon ng hapon.
Ang nasabing dalawang US aircraft ay umalis mula sa Kadena Air Base sa Okinawa, Japan.
Sakay sa nasabing aircraft ang mga bitbit na nilang equipment at mga personnel na tutulong sa nagpapatuloy na relief efforts sa probinsiya ng Batanes na lubhang naapektuhan ng Bagyong Julian.
Batay sa datos, nasa P551.81 million ang halaga ng pinsala ang iniwan ni “Julian” sa sektor ng agrikultura.
Ayon naman kay Batanes Governor Marilou Cayco nasa 2,463 ang mga kabahayan ang apektado at totally damaged habang 40% ang partially damaged.
Samantala, nakipag collaborate din ang Armed Forces of the Philippines, US Forces sa pamahalaang lokal ng Batanes.
Layon nito para maging mabilis at epektibo ang gagawing relief operations.
Nakipag-ugnayan din ang JUSMAG team at ang mga tauhan mula sa US Agency for International Development (USAID) sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council para sa mabilis na pamamahagi ng foreign disater relief supplies sa mga apektadong komunidad.