-- Advertisements --

Magpapadala ang US ng dalawang Patriot missiles batteries sa Poland bilang pagkontra sa banta sa US at NATO allies dahil sa nagpapatuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine.

Ang nasabing Patriots air defense missile systems ay kayang magharang ng mga paparating na mga short-range ballistic missile, advanced aircraft at cruise missiles.

Sinabi ni Capt. Adam Miller ang tagapagsalita ng EUCOM na ang desisyon ng paglalagay ng patriot missiles ay base na rin sa utos ng US Secretary of Defense at sa kanilang Polish allies.

Ang nasabing hakbang aniya ay inilaan para labanan ang anumang panghihimasok laban sa mga kaalyadong bansa.