Nagpadala ng tulong ang United States Agency for International Development (USAID) para sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng bansa.
Kabilang dito ang pagkakaloob ng 700 emergency shelter na ipinadala sa Maguindanao Del Sur at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na unang naapektuhan ng mga pagbaha at malalakas na pag-ulan.
Tiniyak din ni US Embassy Spokesperson Kanishka Gangopadhyay na patuloy ang paglikom ng Estados Unidos ng mga dagdag na tulong na maaari pang maipadala sa bansa.
Tiniyak naman ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson ang tuloy-tuloy na koordinasyon ng Embahada sa pamahalaan ng Pilipinas para malaman ang sitwasyon at pangangailangan.
Nagpaabot din ang ambassador ng kanyang panalangin sa mga Pilipinong naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng ilang araw na walang tigil na pagbuhos ng ulan.