-- Advertisements --

Nagpataw ng malawakang taripa si US President Donald Trump sa mga pangunahing partners ng United States pagdating sa kalakalan tulad ng Canada, Mexico, at China, ayon sa inilabas na pahayag ng White House nitong Sabado dahil umano sa mga lumalawig na illegal immigration at maski pagpasok ng illegal drugs.

Ang mga export mula sa Canada at Mexico papuntang Estados Unidos ay papatawan ng 25% na taripa, bagamat ang mga pinagkukunan ng enerhiya mula sa Canada ay magkakaroon naman ng mas mababang taripa na 10%. Nakatakda naman magumpisa ang pagpapatupad ng mga taripa na ito ngayong Martes.

Ang mga kalakal naman mula sa China, na kasalukuyang may mga taripa na, ay makakaranas pa ng karagdagang 10% na taripa, ayon sa White House.

Samantala, layunin naman nito na panagutin ang tatlong bansa na ito para sa kanilang pangako na pigilan ang mga illegal immigration at ang paglaganap ng iligal na droga.

Paulit-ulit namang ipinahayag ni Trump ang kanyang pagiging panatiko ng taripa na ngangahulugan umano na pinoprotektahang maigi ni Trump ang national interest ng kaniyang nasasakupan.

Ngayong linggo inaasahan naman na magpapataw ang US ng mga taripa sa mgta bansa sa European Union.

Pangako rin niyang magpataw ng mga taripa sa mga semiconductor, bakal, aluminyo, pati na rin sa langis at gas.