-- Advertisements --
Magpapataw ng US ng 104 porsyento na taripa sa ilang produkto na galing sa China.
Ayon kay White House Press Secretary Karoline Leavitt, na ang hakbang ay matapos na hindi naabot ng China ang deadline na ibinigay ni US President Donald Trump na tanggalin ang kanilang retaliatory tariff sa US.
Dagdag pa nito na mayroong 70 na bansa ang nakikipagnegosasyon sa US ukol sa usapin ng taripa.
Nilinaw nito na tanging si Trump lamang ang may desisyon kung tatanggalin o babawasan ang mga naunang ipinataw na taripa sa mga bansa.
Magugunitang maraming mga bansa na rin ang tila gumanti at nagpataw ng mataas na taripa sa mga produkto na galing sa ibang bansa.