-- Advertisements --
Trump
Donald Trump

Nagpatupad ng visa restriction ang US sa Chinese officials at Communist Party Officials na responsable sa pagkulong at pang-aabuso sa Muslim minorities sa Xinjiang province.

Ito mismo ang kinumpirma ng US State Department subalit hindi na nito binanggit ang mga opisyal na pinatawan ng visa restrictions.

Kinokonsidera rin ng ilang US officials na magpataw ng sanctions laban sa mga opisyal na sangkot sa crackdown ng China sa mga Muslims.

Kinabibilangan din ito ni Xinjiang Party Secretary Chen Quangu.