-- Advertisements --

Nagpatupad na ng travel restriction ang US sa walong bansa sa South Africa.

Kasunod ito sa pagkadiskubre ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron na unang natuklasan sa South Africa.

Magsisimula ang travel ban mula Nobyembre 29 sa mga bansang South Africa, Botswana, Zimbabwe, Namibia, Lesotho, Eswatini, Mozambique at Malawi.

Ang nasabing bagong polisiya ay hindi pagbabawal ng flights o epektibo sa mga American citizens at mga peramanent residents.

Magugunitang nong Nobyembre 8 lamang ay tinanggal na ng US ang travel restrictions sa South Africa.