-- Advertisements --

Mayroong mahigit na 500 na panibagong sanctions ang ipinatupad ng US laban sa Russia.

Ang nasabing pagpapataw ng sanctions ay kasabay ng ikalawang anibersaryo ng pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Kabilang sa sanctions ay ang pangunahing card payment system ng Russia, financial at military institutions at laban sa mga opisyal na sangkot sa pagkakakulong ni opposition lider Alexei Navalny.

Kasabay din nito ay inanunsiyo rin ng European Union ang pagpataw nila ng sancitons sa access to military technology laban sa Russia.