-- Advertisements --

Pinayuhan ng US ang kanilang mga mamamayan na nasa India na lisanin na ang lugar.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Ayon sa US embassy na ang pag-access sa lahat ng uri ng mga gamot ay limitado na lamang.

Itinaas sa Level 4 ang travel advisory o ang tinatawag na “do not travel advisory”.

Nakatanggap kasi ng sumbong ang US embassy na hindi tinanggap ang ilang US citizen sa pagamutan dahil sa puno na ng mga ito.