-- Advertisements --
Nagpatupad ang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng travel sa mga bansang France, Jordan, Portugal at Tanzania dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa kasalukuyan ay aabot na sa 83 bansa ang nasa Level 4: Very High classification.
Huling bansa na inilagay sa Alert Level 4 ay ang Andorra, Cyprus at Liechtenstein.
Magugunitang nakakaranas ngayon ng fifth wave ng pandemic ang France kahit na nasa 52 milyon mamamayan nila ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Naunang nagpatupad ang US ng paghihigpit sa mga pasahero na magtutungo sa kanilang bansa kung saan kailangan nilang magpakita ng negatibong resulta ng COVID-19 test results isang araw bago ang biyahe.