-- Advertisements --
Nagpatupad ng travel ban ang US State Department sa bansang Japan at Sri Lanka dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Itinaas kasi sa Level 4: Do not Travel ang nasabing mga bansa.
Habang ibinaba naman sa Level 3 – Reconsider Travel ng State Department ang Caribbean nation na Antigua at Barbuda.
Ang nasabing travel ban ay ipinatupad dalawang buwan bago ang pagsisimula ng Tokyo Olympics.