-- Advertisements --
Nagsagawa ang US ng airstrike laban sa mga Taliban fighters sa Afghanistan.
Isinagawa ang nasabing atake ilang oras matapos ang pag-uusap sa telepono nina US President Donald Trump at Taliban chief negotiator Mullah Abdul Ghani Baradar.
Inakusahan kasi ang Taliban na sila ang nasa likod ng pag-atake sa Afghan National Defense and Security Forces checkpoint.
Sinabi naman ni US Forces in Afghanistan Spokesman Col. Sonny Leggett na isang uri ng drone attack ang ginawa nila sa bahagi ng Nahr-e-Saraj, Helmand.
Isa umano itong uri ng defensive strike.
Magugunitang pumirma ng kasunduan ang US at Taliban nitong nakaraang Sabado.