-- Advertisements --

Tumira na naman ng panibagong strike ang US sa mga rebeldeng grupo na Houthi na naka-base sa Yemen.

Nagpakalat ang US ng mga barko at submarine na may dalang missiles para pasabugin ang mga base ng Houthi, partikular sa mga lugar kung saan nagla-launch ang rebeldeng grupo ng suicidal drones at missiles.

Ang panibagong strike ay retaliation ng US laban sa drone attack ng Houthi sa mga bulk carriers ng Estados Unidos na dumadaan sa Gulf of Aden.

Kamakailan lamang, tinag ng US ang Houthi bilang global terrorist, dahil sa sunod-subod na pag-atake nito sa nasa 50 na barko at vessels mula sa iba’t-ibang bansa na dumadaan sa international shipping routes sa Red Sea.

Ito na ang ika-apat na strike ng US laban sa Houthi terrorist.