-- Advertisements --

Muli na namang nagtala nang panibagong record sa COVID-19 cases ang Estados Unidos sa dami ng mga bagong nagkasakit sa loob lamang ng isang araw na umabot sa mahigit na 248,000.

Ayon sa Johns Hopkins University umabot din sa 2,706 ang bagong nadagdag na namatay sa nakalipas lamang na 24 oras.

CDC US COVID masks

Sinasabing sa nakaraang huling 10 araw mahigit sa 200,000 na mga bagong nahahawa ang nairerehistro sa US.

Maging ang bilang ng mga isinusugod sa ospital dahil sa deadly virus ay pinakamataas din na umakyat pa sa 113,000.

Kinumpirma ng US Department of Health and Human Services ito na ang pinakamaraming bilang mula noong buwan ng Marso.

Kabilang sa matinding namomroblema ay ang estado ng California na halos maubusan na ng mga ICU beds.

Ang walang humpay na paglobo ng bilang ng mga nahahawa sa coronavirus ay sa gitna na rin nang pagsisimula na ng malawakang vaccinations laban sa COVID-19.