-- Advertisements --

Nakadiskubre pa ng mas maraming kaso ang US Centers for Disease and Control and Prevention ng mga kaso ng blood clotting sa ilang mga tao na naturukan na ng Johnson & Johnson vaccine.

Ayon sa CDC, mayroon ng 28 na ang kabuuang kaso ng mga nakaranas ng blood-clotting.

Ang mga ito ay nakaranas ng thrombosis with thrombocytopenia syndrome (TTS) na bukod sa pagkakaroon ng blood clots ay makakaranas din ang mga pasyente ng mababang level ng platelets.

Sa 28 kaso ay tatlo na ang nasawi.

Magugunitang noong Abril ay pansamantalang inihinto ng US ang pagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19 gamit ang Johnson and Johnson.