-- Advertisements --

Naitala ng US ang unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa US Centers for Disease and Prevention na galing sa South Africa ang indibidwal na dumating sa California noong Nobyembre 22.

Inaalam pa nila kung naturukan na ito ng booster shots dahil sa inisyal na impormasyon nila ay ito ay “fully vaccinated” na .

Agad na ito ay naka-quarantine at nagsasagawa na ang US CDC ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito.