-- Advertisements --
Nais panagutin ng US ang China dahil sa genocide na ginawa nila laban sa mga Uyghurs minority group.
Ayon kay Secretary of State Antony Blinken , na kanilang pinuri ang ginawang pagsasaliksik ni United Nations human rights chief Michelle Bachelet.
Dagdag pa nito na ang nasabing ulat ng UN ay nagpapalalim at nagpapatunay ukol sa pinangangambahan nilang genocide ng China.
Mananawagan aniya sila sa China na palayain ang mga Uyghurs na ikinulong ng walang kadahilanan.
Magugunitang inilabas ng UN sa kanilang ulat ang nagaganap na human rights violation ng China sa mga Uyghurs at iba pang mga karamihan ay Muslim minorities.