Mahigpit na binabantayan ng US ang nagaganap na malawakang kilos prostesta sa Nairobi, Kenya.
Ayon sa White House na mahalaga na tugunan ng gobyerno ng Kenya ang nasabing hinaing ng mga protesters.
Kasama ng US ang Canada, Britain, Denmark, Germany at the Netherlands ang nagulat at nababahala sa nagaganap na kaguluhan sa Kenya.
Sinabi ng British High Commission na mahalaga na irespeto at itaguyod ng bawat panig ang kapayapaan para hindi na lumala pa ang kaguluhan.
Nakakalat na ang mga sundalo sa kalsada ng Nairobi bilang suporta sa mga kapulisan.
Magugunitang nasa anim na protesters na ang nasawi ng makasagupa ang mga kapulisan sa harap ng parliyamento.
Hindi rin bababa sa 40 mga katao sugatan ng gumamit ng karahasan ang mga kapulisan sa mga protesters.
Nagkulong naman ang ilang mambabatas sa parlyamento matapos na palibutan sila ng mga protesters.
Nagbunsod ang kilos protesta sa planong pagtaas ng buwis sa mga bilihin.
Depensa ng gobyerno na mahalaga ang pagtaas ng buwis para mabawasan ang mga pag-utang nila.
Base sa proposal na mayroong 16 percent na buwis ang ipapataw sa mga tinapay at 25 percent na tax naman sa mga cooking oil.
Tiniyak naman ni Kenyan president William Ruto na kaniyang papanatilihin ang kapayapaan.
Naniniwala din ito na inidyukan ng mga kriminals ang mga protesters kaya sila nagkalat sa mga lansangan.