-- Advertisements --
Bukas ang US at kaalyado nito na talakayin sa Russia ang paghihigpit ng military exercises at ang usapin sa Ukraine.
Ayon sa isang senior US administration official na gaganapin ang pag-uusap ng dalawang bansa sa Geneva, Switzerland sa Enero 10.
Iginiit nito na hindi papayag ang US na pag-usapan ang paglimita ng mga pagpapakalat ng sundalo ng US sa mga bansa na miyembor ng NATO sa rehiyon.
Magugunitang binantaan ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin na mahaharap sila ng mabigat na sanctions kapag inatake nito ang Ukraine.
Matapos ang pag-uusap sa Switzerland ay magkakaroon pa ng ibang pagpupulong sa Brussels at Vienna para matigil na ang krisis.