-- Advertisements --
Tiniyak ni US President Joe Biden na sila ay nakahanda anumang mangyari sa pagitan ng Ukraine at Russian.
Handa rin ang US na magkaroon ng diplomatic talk sa Russia at kasama ang kanilang mga kaalyadong bansa.
Hindi rin aniya nabeberipika ng US na umatras na ang sundalo ng mga Russia sa Ukraine.
Tiniyak din ng US President sa mga Russian citizen na hindi sila ang kaaway.
Paliwanag niya na ang US at NATO ay hindi banta sa Russia.
Muling binaalan din ni Biden ang Russia na kapag itinuloy ang pag-atake ay mayroong karampatang parusa na kanilang kakaharapin.