-- Advertisements --

Nakahandang tulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa transition nito tungo sa pagkakaroon ng renewable energy.

Sa pagbisita ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng opisyal na ang renewable energy ay kritikal para sa buong mundo maging sa seguridad ng ating planeta. ito din aniya ang nagiging tampulan ng paksa sa bawat gobyerno sa mga banasang kaniyang napupuntahan.

Kinikilala din ng US top official ang pagnanis ng mga gobyerno sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas na subukan ang pagtransition sa renewable energy sa pamamagitan ng solar, wind at ng isang safe at effective na small modular nuclear reactors.

Kung kayat malugod aniya ang US na makapagbigay ng technical assistance at experts na tutulong para maisakatuparan ang naturang transition.

Ipinaubaya naman na ni Sherman ang pagbibigay ng detalye kay President-elect Marcos hinggil sa kanilang napag-usapan hinggil sa planong pag-revive ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa kanilang naging bilateral meeting.

Ngunit sinabi si Sherman na kanilang napag-usapan ang lahat ng elemento may kaugnayan sa clean energy future.

Nauna ng sinabi ni Marcos na bahagi ng kaniyang agenda ang muling pagbuhay sa BNPP bilang karagdagang source ng malinis at murang suplay ng kuryente.