-- Advertisements --
Nakatakdang ibasura na ng US ang Open Skies Treaty.
Ang nasabing kasunduan ay isinagawa noong 1992 para mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng military miscalculation na magdudulot ng giyera.
Posibleng isagawa ni US President Donald ang nasabing anunsiyo sa pagbasura ng kasunduan sa araw ng Sabado.
Sa nasabing kasunduan ay papayagan ang mga bansa na miyembro ng kasunduan na magsagawa ng short-notice, unarmed, reconnaissance flights sa ibang bansa para mangalap ng impormasyon sa military forces at aktibidad.
Itinuro ng US ang Russia sa hindi pagsunod sa nasabing treaty.
Ilan sa mga bansang kasama dito ay ang United Kingdom, Canada at Russia.