Nananawagan ang Amerika sa Beijing na itigil na ang ginagawa nitong “provocative at unsafe conduct” sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ito’y kasunod sa nangyaring insidente na muntik ng magkabanggaan ang barko ng Chinese at Philippine Coast Guard sa tinaguriang disputed islands.
” We call upon Beijing to desist from its provocative and unsafe conduct. The United States continues to track and monitor these interactions closely,” the US State Department.
Dahil dito, nagpahayag ng suporta ang Washington sa Pilipinas, dahil ang ginawa ng Chinese Coast Guard ay malinaw na pangha-harass at pag intimidate sa barko ng Pilipinas.
Binigyang-diin ng U.S. State Department ang mutual defense commitment nila sa Pilipinas sa ilalim ng 1951 treaty.
“The United States stands with our Philippine allies in upholding the rules-based international maritime order and reaffirms that an armed attack in the Pacific, which includes the South China Sea, on Philippine armed forces, public vessels, or aircraft, including those of the Coast Guard, would invoke U.S. mutual defense commitments under Article IV of the 1951 U.S. Philippines Mutual Defense Treaty,” pahayag na inilabas ng US State Department.
Kung maalalam isang Chinese coast guard ship ang nag cut off sa barko ng Philippine Coast Guard na muntik ng magbanggaan.