-- Advertisements --

Nakikinita na ngayon ng isang opisyal ng US na malapit ng tumugon ang Israel at Hamas sa isinusulong nilang ceasefire.

Ayon sa White House na walang tigil ang Israel at Hamas kasama ang mga mediators na nagtatrabaho para tapusin ang mga huling elemento ng nasabing kasunduan.

Tinatalakay na rin ng bawat partido ang final draft ng nasabing ceasefire deal.

Maaring ilang araw bago tuluyang magtapos ang termino ni US President Joe Biden ay ianunsiyo ang pagkakaroon ng kasunduan ng dalawang partido.

Kasama ng US ang Qatar at Egypt na siyang tumatayong mediator para isulong ang usaping pangkapayapaan at ang pagpapalaya ng mga bihag.

Magugunitang sa huling pag-uusap nina US President Joe Biden at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ay nagkaroon ng magandang resulta kung saan bahagyang napapapayag na ang Israel sa nasabing usaping pangkapayapaan.