Nakipag-usap ang Estados Unidos sa China kaugnay sa kamakailang insidente sa West Philippine Sea.
Dito, direktang sinabihan ng US ang China na seryoso itong nababahala sa destabilizing actions ng Beijing partikular sa Ayungin shoal kung saan binangga at pinagsisira ng China Coast Guard vessels ang rigid hull inflatable boat ng Pilipinas at nagresulta sa pagkasugat ng ilang Navy personnel habang nagsasagawa ng resupply mission sa outpost ng PH sa Ayungin shoal noong Hunyo 17.
Inihayag ni State Department spokesman Matthew Miller ngayong araw ng Biyernes na nakausap ni Department Deputy Secretary Kurt Campbell si China’s Executive Vice Foreign Minister Ma Zhaoxu kaugnay sa naturang insidente sa WPS na umani ng pagkondena mula sa international community.
Maliban sa pagpapahayag ng pagkabahala sa pagbangga ng Chinese vessels sa inflatable boat ng PH at pagnakaw sa mga baril ng tropang Pilipino, inihayag ni Campbelle sa Chinese official ang ironclad defense commitment ng US sa PH.
Pinagtibay din ni Campbell ang suporta ng US para sa kalayaan sa paglalayag at pagpapalipad ng mga air assets at mapayapang resolusyon ng disputes alinsunod sa international law.