-- Advertisements --

Namigay ng mga makabagong kagamitan ang Estados Unidos sa Philippine Marines.

Ang magiging recipient ng mga nasabing gamit ay mga Marines na nakikipaglaban ngayon sa Maute terror group sa Marawi City.

Ayon kay Philippine Marine commandant Maj. Gen. Emmanuel Salamat, kabilang sa mga ibinigay ng Amerika ay nasa 300 piraso ng M4 carbines, 200 piraso ng glock 21 pistols, apat na M134 gatling style machine guns at 100 piraso ng M203 grenade launcher at 25 pirasong bagong combat rubber raiding craft.

Sa panig ng Amerika, nanguna sa turnover ang ilang oposyal ng Joint United States Military Assistance Group (JUSMAG) na ginanap sa Philippine Marine Corps (PMC)  headquarters sa Taguig.

Sinasabing sa nakalipas na limang taon, ang U.S. government ay naglaan ng alokasyon na katumbas ng P 15 billion na grant funding sa ilalim ng  Counterterrorism Train and Equip Program ng Estados Unidos.

Binigyang linaw naman ni Salamat na walang halong politika ang ibinigay na kagamitan ng Amerika sa Pilipinas.

Pahayag pa ni Salamat, matagal nang mayroong cooperation at engagement ang US at Pilipinas.

Dagdag pa ng heneral, tuloy pa rin ang commitment ng Amerika sa Department National Defense (DND) na labanan ang terorismo.