-- Advertisements --

Manantili pa ring mahigpit na kaalyado ng Pilipinas ang Estados Unidos.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr na isang malakas na trading partners ng Pilipinas ang US.

Tiniyak din aniya sa kaniya ni US Secretary of State Antony Blinken ng tawagan siya nito na maasahan ang tulong ng US sa Pilipinas kapag inatake ang pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Binigyang halaga ni Blinken ang Mutual Defense Treaty para sa kaligtasan ng dalawang bansa.

Isinagawa ni Blinken ito matapos na maghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China ng makita ang mahigit 200 na barko ng China sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.