Nanatiling nakabantay ang US sa nagaganap na pagpapaulan ng Iran ng mga missiles sa Israel.
Kasama ni US President Joe Biden si Vice President Kamala Harris para makakuha ng impormasyon sa pinakahuling sitwasyon sa Israel.
Sinabi naman ni White House National Security Council Advisor Jake Sullivan na tinutulungan nil ang Israeli military para pabagsakin ang mga missiles ng Iran.
Iniutos kasi ni Biden ang paggamit ng US naval destroyers na tutulong sa Israeli air-defense units.
Hindi bababa sa 200 missiles ang pinaulan ng Iran sa Israel.
Una ng sinabi ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran na ang missile attacks ay bilang pagganti sa mga nasawing katao ng Gaza at Lebanon ganun din ang pagpatay kay Hezbollah chief Hassan Nasrallah at IRGC commander Abbas Nilforoushan.
Ayon naman kay Pentagon press secretary Brig. General Patrick Ryder na tuloy-tuloy ang ginagawang pagbabantay sa sitwasyon sa Israel.
Hanggang sa ngayon ay wala pang balak ang US na magsagawa ng evacuation ng mga mamamayan ng US na nasa Israel.