-- Advertisements --

Nanantiling nakabantay ang United Nations at maging ang US sa mga pinakahuling kaganapan sa South Korea.

Ayon kay State Department deputy spokesperson Vedant Patel na marapat na maresolba ng mapayapa alinsunod sa batas ang anumang gusot sa South Korea.

Kinumpirma rin nito na hindi naabisuhan ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang US bago ideklaraang martial law.

Sinabi naman ni US Department of Defense press secretary Maj. Gen. Patrick Ryder na binabantayan din nila ang hakbang na maaring gawin ng North Kore na maaring samantalahin ang kaganapan.

Paglilinaw niya na hindi apektado ng martial law ang mga sundalong nakatalaga ngayon sa South Korea.