-- Advertisements --

NAGA CITY- Nananatili umano na tahimik ang Estados Unidos sa likod ng iba’t-ibang mga balita na lumalabas hinggil sa mga krimen na nangyayari sa nasabing bansa.

Pahayag ito ni Bombo International Correspondent Virgie Contreras mula sa California, USA kaugnay ng mga nagyayaring sunod-sunod na isyu na nangyari na balita sa nasabing bansa.

Aniya, ang mga nakikitang mga balita sa social media ang mga kinokonsidera na mga exceptional na balita na tinututukan ng media at parang ini-exagerate na lamang ito.

Ayon pa kay Contreras na kaya umano nagkakaroon ng mga hate crime sa America ay dahil sa walang dagdag na pag-iingat ang mga kasangkot na tao kaya sumisiklab ang nasabing krimen.

Dagdag pa nito, kaunting pag-iingat lamang ang kinakailangan ng mga mamamayan sa nasabing lugar upang hindi masangkot sa mga krimen.

Samantala, kinumpirma naman ni Contreras na talagang sumusunod naman ang mga tao sa mga batas na pinapasunod sa nasabing bansa.