-- Advertisements --

Nanawagan ang US sa gobyerno ng Haiti na agarang maglagay ng mga Kenyan-led security force matapos ang pagkasawi ng tatlong US missionaries.

Ang nasabing apela ay matapos na pagbabarilin ng mga armadong suspek ang tatlong miyembro ng US non-profit Mission in Haiti Inc. sa Port-au-Prince.

Ito na ang pinakahuling karahasan sa Haiti matapos ang ilang buwan na pinamunuan ng mga armadong suspek.

Dahil sa insidente rin ay agad na tinapos ni Kenyan President William Ruto ang pagbisita nito sa US kung saan nakapulong nito si US President Joe Biden at ilang opisyal ng US.

Mula noong sumiklab ang kaguluhan noong Marso ay mahigit 36,000 na mga residente na doon ang lumikas kung saan mahigit 1,500 katao na rin ang nasawi.