-- Advertisements --
Nanawagan si US Secretary of State Anthony Blinken sa pagtanggal ng mga Eritrean at Ethiopian regional forces mula sa Tigray region ng Ethiopia.
Bukod pa dito ang panawagan ng pagtatapos ng patayan at paglabag sa karapatan pantao.
Ang nasabing panawagan ni Blinken ay kasunod ng imbestigasyon ng Amnesty international sa massacre sa mga sibilyan.
Mula noong nakaraang taon ay ilang libong sibilyan na ang pinatay ng maupo si Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed.
Naglunsad kasi ng military operations si Ahmed sa mga liders sa Tigray region.
Sinabi pa ni Blinken na mariing kinokondina ng US ang nangyayaring patayan, sexual assaults at ang walang humpay na paglabag sa karapatang pantao.