-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang panghihikayat ng US sa Hamas at Israel na tumugon sa ceasefire talks.

Sa pagsisimula muli ng ceasefire talk sa Doha, Qatar, sinabi ni US National Security Council spokesman John Kirby na dapat magpakita ang dalawang panig ng kanilang pagiging lider.

Ang nasabing pag-uusap sa Doha ay tungkol sa implementasyon ng ilang detalye at mayroon lamang ilang mga puwang na kanilang inaayos na ngayon.

Una ng tumanggi ang Hamas na dumalo sa ceasefire deal hanggang hindi nagpapakita ang Israel ng kanilang pagiging sensiro sa nasabing usapin.

Sinisi pa nila ang US dahil sa hindi pagpressure sa Israel na tumugon sa nasabing usapin.