-- Advertisements --
Mike Pompeo
Pompeo/ IG post

Nanawagan si US Secretary of State Mike Pompeo sa mga bansa na protektahan ang mga oil tanker na dumadaan sa Persian Gulf.

Sa kaniyang talumpati sa US Central Command headquarters , na ang seguridad sa Gulf ay siyang pinoproblema ng US.

Dagdag pa nito na handa ang US na gampanan ang kaniyang trabaho kaya nararapat na gumalaw din ang ilang mga bansa.

Nauna rito inakusahan ng US ang Iran na siyang nasa likod ng pagpapasabog sa dalawang oil tanker na mariing pinabulaanan naman ng Iran.

Nilnaw naman ni Pompeo na walang balak ang US na maglunsad ng giyera sa Iran.