Nanawagan si US President Joe Biden na suspindihin ang normal trade relations nito sa Russia at sinabing ipagbabawal na sa kanilang bansa ang pag-angkat ng seafood, vodka, at diamonds mula rito.
Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagsisikap na palakasin ang economic pressure sa Russia dahil sa pananalakay nito sa Ukraine.
Sinabi ni Biden kasama ang G7 at European Union nais nitong ipawalang-bisa ang “most favored nation” trade status ng Russia.
Ang naturang status ay nangangahulugan ng pagkakasundo ng dalawang bansa na makipagkalakalan sa ilalim ng best possible terms, tulad ng mas mababang mga taripa, mas kaunting barriers sa kalakalan at mataas na imports.
Ayon sa US president, ang naturang revoking ng PNTR ay magpapahirap lalo sa Russia sa pakikipagnegosasyon sa Estados Unidos at ang sabay-sabay aniya na paggawa nito kasama ang iba pang mga bansa na bumubuo sa kalahati ng global economy ay magiging isang malaking dagok sa ekonomiya ng Russia na nahihirapan na ngayon nang dahil sa parusang ipinataw nito dito.
Nakatakda namang lagdaan ni Biden ang isang executive order na nag-e-export ng mga luxury items sa Russia kabilang na ang spirits, tobacco, clothing, alahas, sasakyan, at antique.
Samantala, inaasahan naman na ipakikilala ni Biden ang batas hinggil dito na nangangailangan naman ng pag-apruba ng Kongreso kasunod sa naging anunsyo na ito ng pangulo.