Matibay umano ang ebidensya na hawak ng United States na maaaring magdiin sa Iran na nasa likod ng pagpapasabog sa dalawang oil tankers sa Persian Gulf.
Sa inilabas na video ng US officials, nakuhanan gamit ang Navy P-8 surveillance plane ang patrol boat ng Islamic Revolutionary Guards na naglalayag papalayo sa “Kokuka Courageous,” isa sa dalawang barko na sumabog na pagmamay-ari ng bansang Japan.
Nakita rin sa nasabing ebidensya na tila may tinatanggal ang mga ito na pinaniniwalaang limpet mine na ginamit umano bilang pampasabog.
Tinawag naman ni Iranian Prime Minister Javad Zarif na isang “Iranophobic campaign” ang ginagawang pandidiin ng Estados Unidos at mga ka-alyadong bansa nito.
Una nang inihayag ni Zarif na walang kinalaman ang Iran sa naganap na pagpapasabog.
Ikinababahala naman ni United Nations secretary general Antonio Guterres na maaaring mauwi sa military escalation ang pangyayaring ito.
Samantala, kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello na ligtas ang halos 21 pinoy crews na lulan ng isa sa mga barkong sumabog.
May sakay na 11 Pilipino, 11 Russians, at isang Georgian national ang Front Altair ship na unang pinasabog. Sa ngayon ay inilapat ang mga crew sa isang Iranian navy vessel at dadalhin ang mga ito sa Bandar Abbas