-- Advertisements --

Kumpiyansa si US Secretary of State Antony Blinken na malapit ng makamit ang inaasam nilang ceasefire sa pagitang ng Israel at Hamas.

Sinabi nito na nagkakaroon ngayon ng linaw sa dalawang panig at tila nagkakasundo na sila sa ilang mga kondisyon na inilatag ng bawat panig.

Bawat partido ay tinatapos na ang mga kritikal na detalye ng negosasyon.

Magugunitang nagpadala na ang Israel ng mga negotiating teams a Cairo, Egypt kung saan doon isinasagawa ang ceasefire deal na ang namamagitan ay ang Qatar, Egypt at US.