-- Advertisements --
Personal na nakapulong ni US hostage envoy Adam Boehler ang mga Hamas at Israel.
Sinabi nito na nagkakaroon na magandang resulta ang nasabing pulong kung saan ilan sa mga tinalakay nila ang tuluyang pagpapatupad ng peace talks.
Ipinaliwanag din nito sa Hamas na hindi sila ahente ng Israel at ang nirerepresenta niya ang United States na siyang nagsusulong ng ceasefire.
Naniniwala ito na magkakaroon ng bagong kasunduan kung saan lahat ng mga bihag na hawak ng Hamas ay kanilang mapapakawalan na at gaya ng napag-usapan ay aalis din ang mga puwersa ng Israel na nasa Gaza.
Magugunitang inakusahan ng Hamas ang Israel na sumisira sa peacedeal na napagkasunduan noong Enero.