-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng US sa mga opisyal ng Russia para isulong ang pang matagalang ceasefire nila ng Ukraine.
Ayon kay US Secretary of State Marco Rubio na personal nitong nakausap sai Russian Foreign Minister Sergey Lavrov .
Naniniwala ang nasabing US official na tuluyan ng makakamit ang pangmatagalang kapayapaan dahil sa tumutugon na ang bawat panig.
Ang nasabing pulong ay ilang araw matapos na personal na makapulong ni special envoy Steve Witkoff si Russian President Vladimir Putin.
Magugunitang inanunsiyo ng Russia na magpapatupad sila ng tatlong araw na ceasefire sa Ukraine epektibo sa Mayo 8.