-- Advertisements --

Naniniwala si US State Department spokesperson Vedant Patel , na posible pa rin na magtagumpay ang isinusulong nilang ceasefire agreement.

Sa araw kasi ng Huwebes ay itutuloy ng mga bansa na nagsisilbing mediator ang pagsulong ng ceasefire.

Malaki aniya ang posibilidad na tutugan na si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa laman ng nasabing kasunduan.

Ilan kasi sa mga nilalaman ng kasunduan ay ang pagpapakawala sa mga bihag ganun din ang mga presong mga Palestinian na nakakulong sa Israel.