Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala umanong puknat ang panunuyo sa kanya ng Estados Unidos kaugnay sa isyu ng pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa talumpati sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na nakausap niya raw si U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim kung saan tinalakay nila ang relasyon ngayon ng Pilipinas at Amerika.
Binanggit din ng Pangulong Duterte na tinanggal niya ang VFA, pero ang Amerika naman daw ang lapit nang lapit.
“We are talking about Philippines-US relationship then I was donning the ranks of the military. Kaya sinabi ko kay Ambassador, itong ruckus na… It came to a fore na yung alitan ko sa kanila, tinanggal ko ang VFA, sila naman ang lapit ng lapit,” wika ng pangulo.
Ipinaliwanag din ng Presidente na ang naturang hakbang ay para umano sa preservation ng bansa.
Naghamon din ang Pangulo na isampa ang lahat ng uri ng kaso laban sa kanya, ngunit maninindigan pa rin ito sa kabila ng mga kritisismo.
“You can bring on the charges you want, but I will stick to my guns. I will kill anybody that will tend to destroy my country,” ani Duterte.
Una nang sinabi ni US Ambassador Jose Manuel Romualdez na naghahanap umano sila ni Kim ng paraan upang gumawa ng panibagong deal katulad ng VFA.
Ngunit ayon sa Palasyo ng Malacañang, hindi magbabago ang posisyon ng Pangulong Duterte hinggil sa isyu.