-- Advertisements --
Tumulong na ang US National Guard para tumulong sa pag-apula ng apoy sa malawakang wildfire sa Hawaii.
Ayon sa Pentagon na binubuo ito ng mga reserves ng US army at airforce na may kabuuang bilang na 133 personnel.
May dala ang mga ito ng ilang helicopters kabilang ang heavy lifting two-rotor Chinooks.
Itinuturing ni Hawaii state governor Jos Green ang sunog bilang “catastrophic” at pinakamalaking natural disaster sa kasaysayan ng Isla.
Inaasahan na madadagdagan pa ang naunang 55 na nasawi dahil sa marami pa rin ang naiulat na nawawala.
Nakalipad na rin pauwi ang nasa 15,000 na turista na unang naiulat na na-stranded at hindi na pinatuloy dahil sa malawakang wildfire na nagsimula noong araw ng Martes.