-- Advertisements --
Nasa Saudi Arabia na si US national security adviser Jake Sullivan.
Layon ng biyahe nito ay para matiiyak na hindi na kakalat pa doon ang kaguluhang nagaganap sa pagitan ng Hamas at Israel.
Personal niya itong nakasalamuha si Crown Prince Mohammed bin Salman para talakayin ang nasabing usapin.
Bukod pa dito ay tinalakay nila kung paano mabantayan ang anumang atake ng Houthi rebels.
Pagkatapos nitong magtungo sa Saudi Arabia ay magtutungo ito sa Israel para isulong ang patuloy na panawagan ng US na ceasefire.