-- Advertisements --
Robert OBrien
NSA Robert C. O’Brien

Nagbabala sa bansang Taiwan ang US national security adviser sa posibleng gawing marahas na hakbang ng China upang sakupin sila.

Ayon kay Robert O’Brien sa isang event sa University of Nevada sa Las Vegas, napansin umano ang malawakang ginagawang naval buildup ng China.

Huli aniyang nangyari ito noon pang World War One na ginawa ng Germany upang tapatan ang puwersa ng Britain’s Royal Navy.

Duda naman si O’Brien kung kayang gawin ng China ang amphibious landings lalo na at napakalayo ng distansiya sa pagitan ng dalawang bansa na aabot sa 160 kilometers.

Tumanggi namang ibulgar ng opisyal kung anong tulong ang gagawin ng US sakaling saklolohan ang Taiwan.

Batay sa batas, obligado raw ang Estado Unidos na bigyan ng kakailanganing armas-militar ang Taiwan para madepensahan ang sarili.

“As these actions make clear, the Trump Administration is standing up for American interests and values around the world – as well as our allies and partners – and we will continue to do so,” ani O’Brien.