-- Advertisements --
navy 1

Naging matagumpay sa unang pagkakataon ang ginawang pag-missile test ng US gamit ang kanilang navy warship.

Sa unang pagkakataon kasi ay napigilan ng US warship ang intercontinental ballistic missiles (ICBM) sa isinagawang American missile defense system.

Ayon sa Missile Defense Agency, ang nasabing tagumpay ay patunay na pagpapalakas ng kanilang air defense laban sa anumang banta.

Lulan ang US military personnel sa USS John Finn ay naharang ang pinalipad na intercontinental ballistic missile gamti ang Standard Missile-3 Block IIA Interceptor.

Nanggaling umano sa US military test site sa Kwajaleh atoll sa Marshal Island ang nasabing ICBM.