-- Advertisements --
Minamadali ng US ang paghahanap sa bumagsak nilang fighter jet sa karagatang bahagi ng West Philippine Sea bago pa man makuha ito ng bansang China.
Bumagsak kasi ang $100-milyong halaga ng F35-C fighter jet ilang minuto pagkalipad nito mula sa USS Carl Vinson.
Sinasabing nagkaroon ng aberya ang piloto kaya aksidente itong naibagsak ang eroplano sa karagatan.
Ligtas naman ang piloto matapos na ito ay nakapag-eject bago bumagsak.
Nagtala rin ng pitong marino ang nasugatan dahil sa insidente.
Ang sinumang makakuha aniya ng eroplano ay siyang magwawagi at malalaman ang sekreto ng nasabing eroplano.
Magugunitang nasa West Philippine Sea ang mga barkong pandigma ng US dahil sa naval exercise nila ng Japan sa bahagi ng West Philippine Sea.