-- Advertisements --

Nag-overshoot sa karagatan ng Hawaii ang US Navy reconnaissance jet habang ito ay papalapag na sa runway sa US Marine Corps base.

Ligtas naman ang lahat na siyam na crew members na lulan ng P-8A Poseidon aircraft na isang twin-engine multimission patrol.

Sinabi ni Marine Corps spokesperson 1st Lt. Hailey Harms na bagamat ligtas ang mga pasahero ay patuloy na sinusuri ang kanilang mga kalusugan.

Itinuturong dahilan ng accident ay ang problema sa visibility at ang lakas ng hangin sa lugar.

Ang P-8A Poseidon ay itinuturing na workhorse ng US Navy operations na kayang sabay na dalhin ang torpedoes at cruise missiles.